February 12th, 2009 by ayeka
Kapag nalilito ka at di mo alam ang sagot o may gusto kang malaman, mas mas maganda na magtanong ka sa mga taong alam mo na mas maraming alam sa bagay na ito.
- Kelan yung time na masasabi mo na pwede ka ng manligaw? (Gusto mong ligawan ang isang tao kasi nakikita mo na sya yung gusto mong maging makakasama mo sa buong buhay mo. Hindi yung tipong pang-palipas oras lang). They said:
- spiritually matured
- emotionally ready para hindi pabago-bago ng isip.
- financially stable, what if um-oo na yung nililigawan mo, ang tanong may pang-pakasal ka na ba? Atsympre dapat kaya mong ibigay yung luho.
- Ano ang gusto mo na lalaki para sa anak mo?
She said, “dapat obedient,” yung unending obedience, obedience in small things.
- Ano ang characteristic ng mga choleric na babae?
She said, “impatient,” ayoko ng paulit-ulit. Kapag sinabi ko na eto dapat, eto lang, walang labis, walang kulang.
- Kapag kakain kayo ng liligawan mo, they said:
- may pangbayad ang lalaki
- bago mo sya kakain, dapat meron ka ng mga idea kung saan masarap at kung ano yung masarap na food, yung tipong isu-suggest mo na i-try yung kind of food kc masarap.
- Pwede bang mag-expect?
They said, “lahat naman nag-eexpect”.
- He said, “dapat ma-identify ka lang sa isa, sa iisang babae lang.”
- She said, “kung ano ka sa family mo ngayon, naturally, lalabas na ganon ka din sa magiging family mo in the future.”
- Anu ang dapat gawin kung madami pong manliligaw? Kasabay na manliligaw?
She said, “dapat sa bahay nagpapaligaw, huwag yung labas-labas. Ipag-pray na lang muna.
He said, “may the best man win kung sino papayagan nya mag-court”
- He said, “mas maganda na may covering ng mga leaders”
Posted in blog ko | No Comments »
January 31st, 2009 by ayeka
Madalas akong magpalit ng status message ko sa uzzap or sa messenger ko. Minsan message ko ito sa sarili ko, sa mga nakakabasa, pero madalas ay para sa aking pinakamamahal.
Ilan sa mga ito ay kuha sa mga kanta, sinabi sa akin or sinabi ko sa kanila at ibabahagi ko sa inyo ang mga kwento kung bakit ito ang mga naging stat message ko.
Para sa aking pinakamamahal:
- grow old with YOU – favorite ko talaga ang song na ito. Gusto kong mag-grow old with God. Not just growing old but growing up.
- I’ll never go far away from you – ayaw ko na mapalayo sa Kanya, baka mapahamak ang buhay ko.
- Indescribable – with the word itself, indescribable talaga Sya.
- YOU made me stronger – God made me stronger by breaking my heart (huwag kang kumanta..haha). He made me stronger sa mga testing at mga situation sa life ko.
Para sa sarili ko at sa mga nakakabasa:
- Papakabait na ko, kaw din ha? – sympre naman, lahat gusto magpakabait. At dapat lang na magpakabait na nga ako. Ika nga sa akin ni momi pepz, kahit hindi sila magpakabait, ikaw magpakabait ka.
- a friendship that can be ended didn’t ever start – yan ang famous line ko sa mga kaibigan ko. Dapat anu man ang mangyari, kaibigan pa din hanggang sa huli.
- bawal ang pikon, rumesbak ka na lang – hindi minsan maiwasan ang mga biruan sa magkakaibigan. Kaya bawal ang pikon kasi matatawa lang kami. Kung gusto mo rumesbak ka na lang. Kanya-kanyang laglagan. Biruan lang naman. May oras naman ang biruan. Ilugar mo lang.
- Magpasaway ka pero wag mo na kaming idamay – hay naku, gusto na nga naming magpakabait, tapos naman idinadamay pa kami sa kapasawayan.
At madami pang-iba.
Posted in Uncategorized | No Comments »
January 31st, 2009 by ayeka
Hindi mawawala sa mga kwentuhan ang usapang pag-ibig. Madalas maririnig mo ang mga status o updates tungkol sa lovelife ng aking mga kaibigan. Sympre hindi rin naman maalis na tanungin nila ako. Last year(2008), madalas kong sagot sa kanila na “namamayagpag, isa sa mga mabilis na tumatakbo”. Pero dumating ako sa panahon na nag-preno ako, nagpahinga. Hindi sa napagod ako pero alam kong madami akong dapat unahin. Ang biro ko pa sa mga kaibigan ko, “sige mauna na kayo, tuloy lang kayo sa pagtakbo, magkikita-kita din tayong lahat sa finish line at kung saan makikita ko din kung sino ang mga nakasabay o nakasama nyo sa byahe hanggang sa huli.
Kailan lang, tinanong ako ulet ng kaibigan ko, anu na nga ba ang status ng lovelife ko, sagot ko “ayun, nagpapa-carwash pa ako, daming dapat ipaayos, ipalinis, palitan sa kotse ko, sa puso ko..hehe. Kailangan maging brand new ulet bago sumabak sa karera ng buhay.”
Hayaan ko muna na mamayagpag sila. Ngayon, nais kong munang iayos ang lahat. Madami na akong natutunan at gusto ko na ma-iapply lahat ng iyon. Sa pagmamaneho, dapat marunong kang sumunod sa traffic lights – dapat marunong kang sumunod sa authority. Alam mo kung kelan ka mag-stop, go or mag-wait. Dapat planado, alam mo yung tamang takbo yung within the speed limit para hindi mapasobra, hindi ka mapalapit sa kapahamakan. At sa gitna ng takbo mo, huwag kang basta-basta magpe-preno, baka madisgrasya ka, mawalan ka ng control. Kailangan mag-ingat ka para hindi ka maaksidente, hindi ka masaktan.
At habang nasa garage pa ko, nagpapaayos ng kotse ko, i-enjoy ko muna ang kwento ng buhay pag-ibig mo. Ibahagi mo sa akin para may matutunan ako.
Posted in Uncategorized | No Comments »
January 31st, 2009 by ayeka
Naisip kong isulat ang blog na ito dahil sa text ng aking bestfriend na si divine. Ito ang text niya sa akin: “ung lalaking right para atin ay willing magbayad para makuha tayo. Di nga daw tayo free taste na candy sa store. Mamahalin ta’yo at mahal ang presyo. Di basta-basta mabibili ng kahit sinong tao lang.”
Ikaw pang free taste ka ba?
Dumaan na ako sa maraming relasyon, may panandalian, may mga tumagal pero lahat hindi nag-last. Hindi ko alam kung ako ang mali, kilala ko ang sarili ko, kapag nag-commit ako, kaya kong ibigay lahat, grabe ako kapag nagmahal. Cguro hindi pa lang iyon ang tamang panahon.
Natuto na ako, ngayon, hindi ko na i-aallow na maging pang-free taste lang. I-aasure ko na kapag nagmahal ako ulet, yung taong iyon ang taong nakalaan sa akin, ang nararapat para sa akin. Ayoko ng maging free taste na lang lagi.
Paano naman yung tao na willing magbayad para makuha ako? Nakakalungkot naman kung wala ng natira sa kanya. Kaya ngayon, gagawin ko yung best ko para hindi sya maluge sa akin.
Kaya ikaw, save everything for the right one for you. Huwag mong hayaan na tikman ka lang ng kung sinu-sino.
Posted in Uncategorized | No Comments »
January 31st, 2009 by ayeka
Buhay pag-ibig bow. Isang natutunan ko sa buhay pag-ibig ay huwag ipagpilitan kung hindi pa tamang panahon o hindi talaga para sa’yo. Ikaw lang ang masasaktan, ikaw lang ang mahihirapan.
Habang nakatingin sa aking sapatos, naisip ko kung paano ko maihahalintulad ang pag-ibig dito. Nung bata pa ako, maliit lang yung sapatos ko at habang lumalaki ako, lumalaki din un size ng sapatos ko. At kung ikaw ay bata, magsusuot ka ba ng sapatos na malaki ang size o pang-matanda? Sympre hindi, kasi maluwag — maaring mahubad o maalis ito sa’yo at dahil nahihirapan ka, ikaw na mismo ang maghuhubad nito. Kaya habang bata ka, i-enjoy mo na lang muna ang pagiging isang bata. Huwag mong ipilit ang hindi pa para sa’yo. Hindi pa ito ang tamang panahon para umibig.
At tulad ng sapatos, dinisenyo na magkapares. Merong nakalaan para sa’yo. May hinanda na maging kapareha mo. Kaya huwag ka lang magmadali. Laging tama ang plano Nya para sa’yo.
Posted in Uncategorized | No Comments »
November 2nd, 2008 by ayeka
bakit traffic?
habang nakasakay sa fx at nasa kalagitnaan ng traffic, pumasok sa isip ko na gumawa ng blog. inenjoy na lang ang mainit at nakakainip na byahe.
natanong ko ulet: bakit nga ba nagkaka-traffic?
dahil ba sa madaming sasakyan? ilan na nga ba ang sasakyan sa Pilipinas? ngunit bakit naman sa kabilang side ng kalsada ay hindi traffic? parehas lang naman ang dami ng sasakyan.
dahil ba sa mga traffic lights na nagpapahinto sa mga sasakyan? minsan naman naka-red light pero umaandar na ang mga sasakyan. minsan naman green light na pero naka-stop pa din. alam ba talaga nila ang ibig sabihin ng mga kulay sa traffic lights?
dahil ba sa mga driver na gustong makarami ng pasahero kaya pilit na humihinto ng matagal?
o dahil ba sa mga pasahero na basta na lang pumapara kung saan kaya napapatigil ang driver kung saan na lang din.
anu nga bang gusto kong iparating sa blog na ito?
tulad sa ating buhay, mnsan may traffic. pero anu nga ba talaga ang dahilan ng traffic sa buhay natin? anu ang nakakapag-hinder sa’yo para magpatuloy ka.
anu ang nakapagpapara sa’yo ng basta na lang? bakit hindi sa tamang babaan ka pumara? tama nga ba ang mga lugar na binabaan mo? tama ba ang lugar kung saan ka ngayon tutungo?
anu ang mga bagay o sino ang mga taong nakakapigil sa’yo para sila ay hintuan mo ng matagal? mahalaga ba sila/ito sa’yo? tama bang huminto ka nang matagal?at malaman mo na hindi sila o hindi ito ang makakasama mo sa paglalakbay mo.
naiintindihan mo ba talaga ang mga kulay sa traffic lights? alam mo ba ang ibig sabihin nito? kaya kapag sinabing GO..magpatuloy ka. at kapag STOP huminto ka naman. wag mo kasing pagbaligtadin ang mga kulay.
pare-pareho lang naman may pinagdadaanan ang bawat isa. pero pili ang masaya. alam mo kung bakit? kasi kahit sa traffic ng buhay nila, pinili nila ang tamang daan. pinili nilang sumunod. mag-obey ka kasi. kapag green, GO ka lang. kapag red, matuto kang huminto at mag-intay, maaring hindi pa iyon para sayo, wag matigas ang ulo. piliin mo din ang mga hihintuan mo. baka ang mga pasaherong gusto mung isakay ay hindi makakatulong sayo. piliin ang mga taong makakasama sa buhay. huwag kang papigil sa mga sitwasyon. ang lahat ay nakasalalay pa din sa sarili mong decision.
so, TRAFFIC ba ang buhay?
Posted in Uncategorized | 5 Comments »
July 24th, 2008 by ayeka
mechanics of the game: just group yourselves on how many person will the game master will say.
bakit ko nga ba naisipan gumawa ng blog na eto? actually, di naman talaga eto tungkol sa larong "the boat is sinking" na madalas na games kapag may mga party o anu man okasyon. natuwa lang ako sa mga taong nakakausap ko. nagsimula sa mga nakaka-inlove na status message sa YM. inlove na nga ba sila? maari at pwede na naman, lahat sila ay nasa right age na. (ahihi..kinikilig ako..)
bigla kong naisipan magpalit ng status message: "the boat is sinking.. group yourselves into TWO. hmmm.. ahaha..sino kaya ang makakasama mo sa boat??"
sino nga ba ang isasama mo sa boat? sino nga ba ang sasama sayo sa boat? sino nga ba ang hihilain mo para makasama mo? sino nga ba ang makaksama mong tumayo kahit na anung mangyari? sino ang makakasama mo til the end?
ang daming tanong, pero it’s up to us. it’s our choice. and let that choice came from our Maker, He knows who’s the best for me and for you.
let’s play the boat is sinking..
Posted in Uncategorized | 2 Comments »
July 24th, 2008 by ayeka
wala lang, naisipan ko lang i-share sa iba. baka kasi di nila alam, atleast ma-experience din ang na-experience ko.
nakakapag-YM at MSN ako kahit nasan. and once na yung mga nasa list ko sa phonebook ay naka-UZZAP, chat all the way kami. parang naka-unli ka lang. ahaha.
check their site for more details: http://uzzap.com/start.htm
SMART: bayadan nyo ko sa pag-endorse ng product/aplplication. ahaha.
naisip ko tuloy, pwede ako sa sales. ahaha. yayaman ako nyan.
Posted in Uncategorized | No Comments »
July 24th, 2008 by ayeka
posted: June 23, 2008
tuwing umuulan..
1. gusto ko ng ice cream, ewan ko ba..gusto ka pa din ng malalamig na food. kaya nga lagi kong naalala ang inaanak kong c matet kasi gusto din nia ng ice cream kapag umuulan.
2. gusto ko pa din ng may malakas ng hangin na dumadampi sa akin kaya nakabukas pa din ang e-fan. minsan ngkukumot ako..minsan ndi. lumaki kc ako na di ngkukumot kaya kahit malamig, wala lang, nasa gilid ko lang ang kumot ko.
3. minsan gusto kong maligo sa ulan, tamang trip, inaalala ang pagligo ko sa ulan nun mga bata ako pero sympre madalas na di ako naliligo kasi naiisip ko na ang dumi lalo na kapag may baha na..ahaha
4. masarap matulog..matulog ng matulog, un tipong wala ka ng ibang ginawa kundi matulog.
5. masarap din kumain, either mga noodles or soup or kahit anung maisipang kainin.
6. nakakatamad lumabas ng bahay kasi mababasa ako.
7. tamang soundtrip.
8. ang lamig..ang sarap ng feeling…hmmmp.. (tsk..tsk..tsk..bkit?)
9. at sympre tuwing umuulan kailngan may payong ka kapag lumabas.
at pagkatapos ng ulan..wala ng ulan..ahaha..
Posted in Uncategorized | No Comments »
July 24th, 2008 by ayeka
posted: June 11, 2008
"small change..big difference"
yan ang theme ng SHELL Safety Day for this year. goal nila ang zero incident.
and i really want to be part of it..on the small things na pde kong gawin.
pero d lang un ang natutunan ko..not only on safety but on how u will achieve that big difference in real life.
panu nga ba??wat is ur commitment to make a change?
make a pledge.make a difference.
you’re a history maker
Posted in Uncategorized | No Comments »